dijayforlife (dijayforlife) wrote in hayskul_layp, @ 2009-06-17 18:43:00 |
|
|||
Current location: | Rainbow Brite Academy |
Current mood: | energetic |
Current music: | Romantic — SHINee |
Entry tags: | love guru special |
[ Day Three ] Loveline @ Rainbow Brite Academy
Magandang araw sa lahat ng estudyante ng Rainbow Brite Academy! Alam ko maulan na naman ngayong araw na ito, pero nakakatuwa pa rin dahil kahit saan ako tumingin sa campus niyo eh napakarami kong nakikitang RAINBOW! ^^ So kamusta ang mga araw niyo? Maayos naman ba ang mga unang araw ng pasukan? Sana wala pang nagkakasakit diyan ah... mag-iingat kayong lahat dahil medyo dumarami ang kaso ng A(H1N1) dito sa Quezon City. Maghugas ng kamay lagi! Hahaha, ano ba ito... public service program?
Sige na nga, simulan na natin ang programa sa araw na ito with a song requested through our hotline. Apparently, mahilig pala sa KPop ang mga estudyante rito, no? Sige... here's a song from a Korean boyband, SHINEE. Ito ang ROMANTIC... at kayo'y nakikinig pa rin sa Loveline with Love Guru!